^

Bansa

Pananakot, pamamahiya sa paniningil ng utang, ibabawal

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pananakot, pamamahiya sa paniningil ng utang, ibabawal
Sa Senate Bill No. 1336 o ang “Fair Debt Collection Practices Act,” ni Gatchalian, nais nitong ipagbawal ang “paggamit ng ‘di makatarungan, mapanlinlang at abusadong pangongolekta at paniningil ng utang.”
The STAR/Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Isinusulong ngayon ni Sen. Sherwin Gatchalian ang panukalang batas na layong ipagbawal ang mga abusadong paraan ng paniningil ng utang lalo na ang pananakot at pamamahiya.

Sa Senate Bill No. 1336 o ang “Fair Debt Collection Practices Act,” ni Gatchalian, nais nitong ipagbawal ang “paggamit ng ‘di makatarungan, mapanlinlang at abusadong pangongolekta at paniningil ng utang.”

Ito’y bunsod ng mga reklamo ng pamamahiya o pananakot sa mga hindi pa makabayad, lalo na sa social media, aniya.

“Layunin ng panukalang batas na ito ang pagtanggal ng abusado at hindi makatarungang pangongolekta ng debt collectors ng utang laban sa mga kababayan nating nangangailangan,” ani Gatchalian sa isang pahayag.

Aniya, “sinisiguro rin ng naturang panukalang batas na maprotektahan naman ang mga debt collector na hindi nang-aabuso.”

Sa ilalim ng panukala, bawal ang sino mang debt collector na “mang-harass o mang-api” ng mga may utang. Bawal din ang “paggamit ng mapanlinlang na representasyon o pamamaraan ng pangongolekta ng utang.” 

Layunin din ng panukala na masiguro na confidential at hindi maisisiwalat sa publiko ang impormasyon ng mga may utang ng walang pahintulot.

Aabot sa P30,000 ang maaring maximum na multa sa mga lalabag.

vuukle comment

SHERWIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with