^

Bansa

Paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar bawal na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order na nagbabawal sa paggawa at pagbebenta ng mga hindi rehistradong electronic cigarette (e-cigar) o vape at iba pang tobacco pro­ducts.

Layunin ng EO 106 na amyendahan ang EO 26 na nilagdaan ng Pangulo noong 2017 na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Nakapaloob sa EO 106 na ang paggamit at pagkakalanghap ng usok mula sa e-cigarettes o vapes ay nagdudulot ng kahalintulad na respiratory illness, cardiovascular di­seases, addiction, cancer, neurodegeneration, brain development retardation at iba pang sakit na dulot ng paninigarilyo.

Dapat iparehistro sa Department of Trade and Industry (DTI) ang lahat ng e-liquids, solutions o refills forming components ng electronic nicotine at non-nicotine delivery systems at mga heated tobacco products.

Ang mga nabanggit na devices ay dapat ding pumasa sa pamantayan ng FDA at ng DTI.

Mula 18-anyos ay itinaas na rin sa edad na 21 ang puwedeng bumili o bentahan ng sigarilyo.

Kaugnay nito, imbes na “No Smoking Zone” ang ipapaskil na babala, gagawin na itong “Non-Smoking/Vaping Buffer Zone.”

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with