^

Bansa

Global pandemic sa COVID-19 posible - WHO

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Global pandemic sa COVID-19 posible - WHO
Sinabi ng WHO sa sitwasyon ngayon kung saan patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng sakit sa iba’t ibang bansa, posibleng hindi magtagal ay maabot nito ang kategorya bilang pandemic.
AFP/Yonhap

MANILA, Philippines — May posibilidad uma­nong maging glo­bal pandemic ang 2019 coronavirus disease (COVID-19) kaya pinaghahanda ng World Health Organization (WHO) ang buong mundo.

Sinabi ng WHO sa sitwasyon ngayon kung saan patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng sakit sa iba’t ibang bansa, posibleng hindi magtagal ay maabot nito ang kategorya bilang pandemic.

Ang pandemic anila ay isang infectious disease kung saan mabilis itong kumakalat o naisasalin mula sa isang tao patungo sa isa pang indibidwal sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sakaling umabot sa global pandemic ang kaso ng COVID-19, tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III na handa ang bansa.

Ani Duque, kasado na ang protocol para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at nakamonitor ang lahat ng concern agencies. 

Unang linggo pa lang ng Enero ay pinaigting na ang mga surveillance at isolation, detection, contact tracing at convention measures.

Patuloy din aniyang pinaiigting ang sistema upang agad na maagapan ang pagkalat ng sakit.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with