^

Bansa

DOH susubukan ang virgin coconut oil vs virus

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
DOH susubukan ang virgin coconut oil vs virus
Ayon kay Duque, agad niyang isusumite sa panel of experts sa sandaling maibigay sa kaniya ang isinasagawang pagsusuri sa VCO.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bukas si Health Secretary Francisco Duque III sa posibilidad na pag-aralan ang paggamit ng virgin coconut oil bilang panlaban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Duque, agad niyang isusumite sa panel of experts sa sandaling maibigay sa kaniya ang isinasagawang pagsusuri sa VCO.

Una  nang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na pangungunahan ng Filipino academician ang pag-aaral kung saan isasagawa sa National University of Singapore ang test ng VCO laban sa COVID-19.

“Mas maganda hintayin na lang natin ‘yung sa Singapore. At least, puwedeng i-validate lang natin pag tayo naman ang magsagawa ng testing. Makakatulong ‘yung kanilang mga initial results from Singapore,” ani Duque.

Nabatid na may mga pag-aaral na isinagawa na lumalabas na mukhang effective sa mga bacteria, at sa certain types of bacteria at viruses. 

Gayunman sinabi ni Duque na hindi pa sila sigurado kung anong klase ng virus ang mapapagaling ng VCO.

vuukle comment

VIRGIN COCONUT OIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with