^

Bansa

BI officials sa ‘pastillas’ modus ikinanta

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
BI officials sa �pastillas� modus ikinanta
Si Immigration officer Allison Chiong habang idinidetalye ang kanyang nalalaman sa “pastillas” modus sa NAIA terminals nang humarap sa Senado kahapon.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines – Ang mga dating immigration terminal head sa Ninoy Aquino International Airport ang nagplantsa ng “pastillas” modus na dahilan para makapasok sa Pilipinas ang mga iligal na Chinese worker kabilang ang mga blacklisted individual.

Ito ang ibinunyag ni Immigration officer Allison “Alex” Chiong sa pagharap niya sa pagdinig ng Senado kahapon.

Si Chiong din ang nagbigay ng mga video na nagpapakita kung paanong tumatanggap ng mga suhol ang mga border control official mula sa mga Chinese tour operator kapalit ng malayang pagpasok sa bansa ng ilang Chinese national na magtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) industry.

Ang modus ay tinawag na pastillas dahil ang suhol ay ibinibilot sa bond paper na tulad ng sa tunay na pastillas.

Pinangalanan ni Chiong ang mga sangkot sa pastillas scheme na sina dating Bureau of Immigration Deputy Commissioner Marc Red Mariñas; Travel Control Enforcement Unit officials - Bien Guevarra, Glenn Comia, Den Binsol, Totoy Magbuhos, Dion Albao, Paul Borja, Anthony Lopez, Dennis Robles, Erwin Ortañez, Fidel Mendoza at Meynard Mariñas

Sina Comia, Guevarra at Binsol na dating mga hepe ng immigration operations sa terminals 1, 2 at 3 ng NAIA, ayon sa pagkakasunod, ang nakialam umano at naglatag ng sistema sa modus noong 2016 makaraang tanggalin ng Department of Justice ang overtime pay ng mga immigration official.

Kabilang si Chiong sa mga Immigration official na tumatanggap ng ‘pastillas’ pero ipinasya niyang ibunyag ang modus makaraang mapanood niya sa imbestigasyon ng Senado ang paglaganap ng POGOs sa Pilipinas na nagpalaganap ng prostitusyon sa bansa.

“Sukdulan na po. Gusto ko talaga i-expose itong nangyayari sa Immigration,” sabi pa ni Chiong na isinailalim sa witness protection program.

Ayon pa kay Chiong, bawat “cooperating” immigration officer ay tumatanggap ng nasa P20,000 kada linggo para sa pag-duty sa terminal 1 at P8,000 kada linggo sa terminal 3.

Nalalaman ng mga immigration officers ang pangalan ng mga Chinese nationals na papasukin sa bansa nang hindi dumadaan sa tamang proseso sa pamamagitan ng isang group chat sa Viber.

vuukle comment

BI OFFICIALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with