^

Bansa

17 bagong PUIs sa COVID-19 naitala

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
17 bagong PUIs sa COVID-19 naitala
Sa pinakahuling tala, nasa 133 na lamang, mula sa dating 135 ang mga PUIs na nananatili pang nilalapatan ng lunas sa mga pagamutan, o nabawasan ng dalawang PUIs.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines – Nakapagtala na naman ang Department of Health ng 17 bagong patients under investigation (PUIs) kaugnay nang isinasagawa nilang pagtunton sa mga taong posibleng dinapuan o infected ng COVID-19.

Sa datos ng DOH kahapon, mula sa dating 539, umakyat na sa 556 ang PUIs.

Patuloy naman sa pagbaba ang bilang ng mga PUIs na naka-admit pa sa mga pagamutan sa bansa.

Sa pinakahuling tala, nasa 133 na lamang, mula sa dating 135 ang mga PUIs na nananatili pang nilalapatan ng lunas sa mga pagamutan, o nabawasan ng dalawang PUIs. 

Pinakamarami ang naka-admit sa mga medical facilities sa Metro Manila, na nasa 106 habang ang natitira pang 27 ay nilulunasan sa iba’t iba pang rehiyon sa bansa.

Umaabot naman na sa kabuuang 420 PUIs ang pinayagan nang makauwi sa kanilang mga tahanan, ngunit isinasailalim pa rin sa istriktong monitoring. 

Samantala, nananatili pa rin sa tatlo ang kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa, na pawang Chinese nationals na mula sa Wuhan City sa Hubei, China.

Dalawa sa kanila ang nakarekober at nakauwi na ng kanilang bansa habang ang isa ay binawian ng buhay habang ginagamot sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Tiniyak naman ng DOH na wala pa ring naiuulat na local transmission ng virus sa bansa ngunit sinigurong may mga pamamaraan na silang nakalatag sakaling maharap na sa naturang problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with