^

Bansa

Leni, tumangging may alam sa ‘oust Duterte’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang kinalaman si Vice President Leni Robredo sa mga panawagan ng pagpapababa sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Robredo bilang reaksiyon sa nakarating na ulat sa kanya na may malaking protesta na gagawin bukas, Pebrero 22 para hilingin ang pagbaba sa puwesto ni Pangulong Duterte.

Binigyang diin ni Robredo na bagamat may karapatan ang bawat mamamayan na ihayag ang saloobin, ang gagawing hakbang ay kailangang idaan sa proseso na naaayon sa batas.

Nilinaw ni Robredo na hindi siya bahagi ng anumang panawagang bumaba sa puwesto si Pangulong Duterte at ang kahilingan lamang ay gawin ang lahat ng gobyerno ang trabaho para sa kapakanan ng mamamayan.

Umaasa naman ito na magiging maayos at payapa ang gagawing protesta sa Sabado.

 

 

vuukle comment

LENI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with