^

Bansa

500 Pinoy mula Japan darating sa Pinas sa Pebrero 23

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Health na sa Linggo, Pebrero 23 darating sa bansa ang nasa 500 Pinoy na sakay ng Diamond Princess na nakadaong sa Yokohama Port sa Japan.

Sa isang press brie­fing, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na lalapag sa Haribon Hangar ng Clark Air Base sakay ng dalawang eroplano ang mga papauwiing Pilipino saka isasailalim sa quarantine sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

“I think the Japanese Government has already decided that they’ll close down the ship. This is not for sure yet… but we have to bring them out as soon as possible,” pahayag niya.

Sinabi ni Duque na 16 ospital sa buong bansa ang nagboluntaryong magpadala ng 10 team kada isa upang tumulong sa quarantine ng nasa 500 Pilipinong uuwi.

Sa 3,711 sakay ng Diamond Princess, 538 ang mga Pilipino —531 ang crew members at pito ang pasahero.

Ngunit ani Duque, hindi pa pinal kung lahat sa 538 na Pilipino ang mapapauwi dahil napagdesisyunan ng iba na manatili muna sa cruise ship.

Hindi naman papauwiin ang mga Pinoy na sakay ng cruise ship at nakitaan ng mga sintomas ng coronavirus disease 2019 (CO­VID-19) dahil kailangan munang sumailalim ng mga ito sa monitoring o gamutan sa ospital sa Japan. Papayagan lang silang makauwi sa bansa kapag nakarekober na ang mga ito.

Sasaluhin ng A. Magsaysay Inc. ang halaga ng accommodation, pagkain at iba pang gastusin ng mga uuwing Pilipino.

Ayon pa sa kalihim, pumalo na sa 44 ang bilang ng mga Pilipino na nagpositibo sa COVID-19 sa cruise ship.

Isinailalim sa quarantine ang buong cruise ship noong Pebrero 3 makaraang sumakay dito ang isang pasaherong nagpositibo sa COVID-19.

 

vuukle comment

PINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with