^

Bansa

Kamangmangan, isang ‘economic time bomb’- solon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan si Albay Rep. Joey Sarte Salceda sa mga kapwa niya mambabatas na ipasa ang inihain niyang panukalang batas kaugnay sa edukasyon upang matugunan ang napabalitang ulat ng Department of Education (DepEd) na maraming mga kabataang mag-aaral sa elementarya ang nananatiling ‘latent illiterate’ o hindi marunong bumasa o mangmang.

Sa naulat na “DepEd Bicol 2019 data,” sinasabing mga 70,000 mag-aaral sa elementary sa Bicol ay nananatiling mangmang. Isa itong suliraning tinawag ni Salceda na “ticking economic time bomb.”

Sa ilalim ng kanyang ‘Comprehensive Education Reform Agenda,’ naihain na sa Kamara ni Salceda ang mga panukalang ‘Teacher Empowerment Act’ (HB 6231) na magpapagaan sa iskedyul ng mga guro upang may oras sila para mabisang masubaybayan ang pag-aaral ng mga estuyante at HB 6295 o ‘Universal Free School Meals Program,’ na magbibigay ng libreng mayaman at masustansiyang pagkain sa mga batang ‘kindergaten’ at elementarya na mula sa mahihirap na pamilya upang maging matulis ang kanilang isip sa mga aralin.

 “Sa ngayon, ang mga mag-aaral at guro natin ang may pinakamabigat na trabaho sa buong mundo. Sobrang mga aralin; sobrang mga ginagawa. Sa kolehiyo, natutunan ko ang prinsipyong ‘non multa sed multum.’ Ibig sabihin, hindi naparaming bagay, ngunit marami. Ganyan ang kailangan ng sistema natin sa edukasyon ngayon,” puna niya.

 

vuukle comment

ECONOMIC TIME BOMB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with