^

Bansa

Higit 100K pensioners, nakinabang sa P3.5 bilyon pautang ng SSS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakinabang ang may 105,000 pensioners ng  Social Security System (SSS) sa  enhanced Pension Loan Program (PLP) na umabot na sa  P3.5 bilyong halaga ng pautang para rito.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio na ang pagtaas ng PLP disbursement ay bunga ng pinalawak na sakop ng programa na pinapayagan ang mga qualified retiree-pensioners na makautang ng maximum amount equivalent ng 12 times ng kanilang  pension na umaabot sa  P200,000.

Layon ng PLP na mabigyan ng mabilis na  financial assistance  ang mga pensioners na kailangang magkaroon ng dagdag na cash para sa kanilang  basic monthly pension (BMP).

Ang SSS Diliman branch ang nakapagpalabas ng pinaka malaking halaga ng approved pension loan na P155.08 million para sa 4,388 approved applications habang ang SSS Bacolod ang may pinaka maraming bilang ng approved applications na 5,137 na pinaglaanan ng P132.76 million loan releases.

 

vuukle comment

SSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with