^

Bansa

Code alert sa COVID-19 ipatutupad sa Pinas

Malou Escudero, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Code alert sa COVID-19 ipatutupad sa Pinas
Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na gagamit ng tatlong antas ng alert system ang pamahalaan na maglalatag ng mga hakbang na dapat gawin bilang pagtugon sa naturang sakit.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Magpapatupad na ng code alert system para sa COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na gagamit ng tatlong antas ng alert system ang pamahalaan na maglalatag ng mga hakbang na dapat gawin bilang pagtugon sa naturang sakit.

Ito ay ang Code White (level 1), Code Blue (level 2) at Code Red (level 3).

Sa ilalim ng Code White, mangangahulugan na mayroong hinihi­hinalang mga kaso sa bansa gaya na lamang ng umiiral sa ngayon na mayroon mga itinuturing na persons under investigation (PUIs).

Kapag naman su­mam­pa na sa Code Red ang alerto, ang ibig sabihin ay mayroon nang community epidemic ng sakit.

May inilatag na four-door response framework para sa Code Alert system na ipinaalam na sa mga lokal na pamahalaan dahil sila ang magsisilbing first responders sa sandaling magkaroon ng kaso sa kanilang nasasakupan.

Samantala, magaling na at nakatakda nang lumabas sa ospital ang unang Filipino sa Japan na nagpositibo sa Covid.

Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Tokyo, tagumpay ang naging paggamot sa Filipino na kabilang sa crew ng MV Diamond Princess at naospital noong Peb­rero 5.

Kinumpirma rin ng em­bahada na may na­dagdag na anim na Pinoy sa mga nagkaroon ng Covid kaya 40 na ang kanilang bilang. Hindi na isinama sa bilang ang Pinoy na lalabas sa ospital.

Nilalakad na rin ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpapauwi sa nasa 500 Pinoy crew na sakay din ng cruise ship.

Ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, ang mga asymptomatic o hindi makikitaan ng sen­yales ng virus lamang ang mga maisasama sa repatriation.

Sasagutin ng emplo­yer ang kanilang pamasahe.

Habang ang mga Pi­lipinong nagpositibo sa virus ay hindi makakasama sa repatriation at maiiwan sa Japan hanggang sa tuluyan na silang makarekober.

Binanggit din niya na voluntary o hindi sapilitan ang pagpapauwi sa mga Pilipino kaya kung ayaw nilang bumalik dito sa Pilipinas ay hindi nila ito pipilitin.

vuukle comment

FRANCISCO DUQUE III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with