^

Bansa

Patay sa COVID umakyat na sa 2K!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 2,000 ang bilang ng mga nasawi sa China dahil sa coronavirus disease-2019 matapos makapagtala ng 132 mga bagong nasawi sa Hubei province.

Iniulat din ng health commission ng lalawigan ang bagong 1,693 kaso ng mga taong natamaan ng virus.

Dahil dito, lampas 74,000 na ang bilang ng mga kaso sa mainland China.

Karamihan ay nagmula sa Hubei, kung saan nagsimula ang coronavirus noong Disyembre bago kumalat.

Bahagyang tumaas ang bilang ng mga kaso ngayong araw kumpara nitong Martes kahit ito ang pinakamababang naiulat na bilang sa isang linggo.

Ayon sa pag-aaral ng China, karamihan sa mga pasyente ay mayroon lamang mild cases ng virus.

Bumababa naman ang bilang ng mga ba­gong kaso sa labas ng Hubei na senyales umano na nasa ilalim na ng kontrol ang outbreak.

Sinabi ni Chinese Presidente Xi Jinping na nakukuha ng bansa ang “visible progress” sa hakbang na isinasagawa nito.

Ngunit katuwiran ng World Health Organization, masyado pang maaga kung magpapatuloy ang pagbaba ng bilang ng mga kaso.

Nitong Martes, nasawi ang direktor ng ospital sa Wuhan at siya ang ika-pitong medical worker na nasawi sa COVID-19.

Nasawi rin ang isang Chinese film director at tatlong miyembro pa ng kaniyang pamilya dahil sa coronavirus disease.

vuukle comment

XI JINPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with