^

Bansa

Ex-local bets sa Taguig kinasuhan

Pilipino Star Ngayon

TAGUIG, Philippines — Kinasuhan ng sedition sa Taguig City Prose­cu­tors’ Office ang dala­wang mag­kapatid na kapwa­ natalong kandidatong mayor at con­gressman sa hala­lan noong 2019 na sina Arnel at Allan Cerafica, ayon sa pagkakasunod, dahil sa umano’y panggugulo at illegal assemblies sa naturang halalan.

Nanalo sa eleksyong ito sina Speaker Alan Peter Cayetano at film maker na si Lino Cayetano.

Bukod sa sedition, isi­­­nampa rin ng isang grupo ng mga taxpayer ng Ta­guig at ng Jeepney Ope­rators and Drivers Asso­ciation laban sa magkapatid at ibang mga kasamahan ng mga ito ang mga kasong illegal assemblies, public disorder, at violation of BP No. 880.

Sinasabi ng mga complainant na nagsagawa ang grupo nina Cerafica noong May 14, 2019 ng iligal na pagtitipon sa Pedro Cayetano Boulevard na isang public road na dahilan para hindi ma­kapagtrabaho ang mga opisyal ng Taguig City, nagsikip ang daloy ng trapiko at naparalisa ang komersiyo sa naturang lugar. Nagsagawa rin umano ng iligal na pagti­tipon ang mga akusado sa kahabaan ng C-5 noong Mayo 23 na nagpasikip ng daloy ng trapiko at nag­paralisa sa komersiyo­ rito.

Ayon pa sa rekla­mong­ isinampa, ang Cerafica brothers ay nagta­wag umano ng pagkilos upang ipakita ang galit o “infliction of acts of hate” sa mga public officers at me­ron pang mga binitawang mga libelous­ na salita laban sa gobyerno­ dahil­ umano sa dayaan sa 2019 elections.

vuukle comment

ALLAN CERAFICA

LINO CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with