^

Bansa

EO vs drug price hike nilagdaan ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
EO vs drug price hike nilagdaan ni Duterte
Ang paglagda ng Pangulo sa Executive Order 104 ay kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea. Layunin ng kautusan na mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng mga Filipino at makabili ng gamot sa abot-kayang halaga.
Manjunath Kiran/AFP

Murang gamot isusulong ni Go

MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order na naglalayong limitahan ang pagtaas ng presyo ng ilang gamot.

Ang paglagda ng Pangulo sa Executive Order 104 ay kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea. Layunin ng kautusan na mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng mga Filipino at makabili ng gamot sa abot-kayang halaga.

Kaugnay nito, sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go na tuloy-tuloy ang kanyang pangako na isusulong ang panukalang magbibigay sa lahat ng Filipino, lalo sa mga may sakit, ng mas murang gamot.

“Nagpapasalamat po ako sa ating mahal na Pa­ngulo sa pag-apruba ng rekomendasyon ng Senado na paigtingin pa lalo ang access ng mga Pilipino sa murang gamot. Patuloy po tayong magtatrabaho para maging mas mabilis, maayos at maaasahan ang serbisyong pang-medikal sa ating bansa,” ani Go.

Nauna rito, inihayag ng Department of Health (DOH) na inaasahang bababa ng hanggang 56% ang presyo ng gamot mula sa dating presyo dahil sa EO.

Kasama sa mga isinulong ng DOH  na magkaroon ng price cap ang nasa 120 gamot para sa diabetes, hypertension, cardiovascular disease, chronic lung diseases, neonatal diseases, major cancers, mahal na gamutan para sa chronic renal disease, psoriasis, at  rheumatoid arthritis.

vuukle comment

DRUG PRICE HIKE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with