Pagsigla ng agrikultura sa San Miguel, Bulacan posible na
MANILA, Philippines — Higit nang sisigla ang sektor ng pagnenegosyo partikular sa larangan ng Agrikultura sa San Miguel, Bulacan.
Ito ay dahil sa naipatayong Sitio Brown Bridge sa naturang bayan at tinawag na regalo ng buhay ng kaligtasan mula sa langit ng mga residente sa naturang bayan gayundin ng mga mag-aaral.
Ayon kay DPWH Bulacan Second District Engineer Ramiro Cruz, kung noon ay napipilitan ang mga mag-aaral na tumawid sa Brown River para makapasok at makapag-aral, ngayon ay may tulay na silang madaraanan para hindi mahirapan sa pagpunta sa kanilang paaralan.
“Naglalakad sila sa mga bato, at madulas na ilog at madalas nasa panganib ang buhay ng mga mag-aaral, pero ngayon maginhawa na ang kanilang pagpasok sa kanilang paaralan dahil sa naipatayong tulay,” ani pa ni Cruz.
Ang naturang proyekto na may pondong P50-milyon ay matatagpuan sa 85 meter-long river channel ng Bulacan sa bayan ng San Miguel patungo sa Dona Remedios Trinidad.
- Latest