^

Bansa

Pinoy sa Japan ship na may COVID-19, 11 na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pinoy sa Japan ship na may COVID-19, 11 na
Nagsimulang i-quarantine ang Diamond Princess noong Pebrero 4 matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa nilang dating pasahero.
AFP / CHARLY TRIBALLEAU

MANILA, Philippines – Nadagdagan pa kahapon ang mga Filipino na nagpositibo sa coronavirus (COVID-19) na sakay ng Diamond Princess na nakadaong sa Yokohama, Japan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang anim na nadagdag sa unang lima na nagpositibo sa COVID ay dinala na sa iba’t ibang ospital.

Maayos din umano ang ipinapakitang pagresponde ng mga pasyente sa ginagawang paggamot sa kanila.

Matatandaan na isa sa crew member ng nasabing barko ang unang Filipino na nagkaroon ng COVID na sinundan ng apat na iba pa.

Umaabot sa 3,700 ang sakay ng barko kung saan 538 sa mga ito ay mga Filipino.

Inihayag din ng DFA na nagpapadala ang embahada ng mga gamit para sa mga Filipino na nasa loob pa ng barko kabilang na ang mga toiletries at mga non-medical supplies.

Nagsimulang i-quarantine ang Diamond Princess noong Pebrero 4 matapos magpositibo sa COVID-19  ang isa nilang dating pasahero.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with