^

Bansa

Mas maayos na serbisyo sa ospital tiniyak ni Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senate committee on health chairman Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang mas maayos na serbisyo sa mga pasyente sa mga ospital ng pamahalaan.

Ito’y matapos pangunahan ng senador ang pag-apruba sa House Bills (HB) 1799, 1477, 831, 2444, 5871 at 5870 maging sa Senate Bill 640 sa pagdinig ng Senado.

Ayon kay Go, personal niyang nakita ang panga­ngailangan na dapat nang maisaayos at mapabuti ang pasilidad ng mga ospital sa bansa sa kanyang pagbisita sa mga ito.

Naaawa ang senador sa mga pasyenteng Filipino kung kaya ginawa niyang prayoridad ang pagsasabatas ng  Republic Act (RA) 11463, mas kilala bilang Malasakit Center Act of 2019. 

“Kaya nga po nauna na nating naisabatas ang Republic Act 11463 o Malasakit Centers Act para siguruhin na makatulong talaga ang gobyerno na bawasan ang bayarin nila sa ospital,” dagdag niya.

Kinokonsiderang landmark piece ng legislation ang Malasakit Center Act of 2019 na mandatong magtayo ng mga Malasakit Centers sa 73 ospitals na pinatatakbo ng Department of Health (DOH) sa iba’t ibang panig ng bansa maging sa Philippine General Hospital sa Maynila. 

Ang Malasakit Center ay “one-stop shop” para sa mga pasyenteng nangangailangan ng financial at medical assistance sa pamamagitan ng paglagda sa iisang form ng apat na government agencies. 

At batay sa datos ng DOH, kailangan din ng government hospitals ng karagdagang 131,250 kama para sa mga pasyente.  

 

 

vuukle comment

OSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with