^

Bansa

Nurses sa Wuhan nagpapakalbo para iwas virus

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ilang Chinese nurses ang nagpapakalbo ng kanilang mga buhok sa ulo para mabawasan ang panganib sa kontaminasyon habang nilalabanan ang coronavirus sa mga ospital sa Wuhan, China.

Ayon sa mga nurse, ang pagpapakalbo ang isang halimbawa ng mga sakripisyo ng mga medical staff habang nasa frontline sila ng epidemya. 

Sa isang video na ipinos­te ng state-run People’s Daily na pinakama­laking pahayagan sa China ay mapapanood ang mga nurse sa Shaanxi province na nag-aahit ng buhok sa kanilang mga ulo bago magtungo sa Wuhan.

Bukod sa nilimitahan nito ang mga paraan ng pagkalat ng pathogen, ang kawalan ng buhok ay nagpapadali sa paglala­gay at pagtanggal ng protective hazmat suits, ayon sa isang video na ipinoste ng Xinhua News Agency ng China.  

Lubha raw nagpapahirap sa katawan ng medical staff ang virus. Ilan sa kanila ay naging bleached white ang mga balat dahil sa disinfectant at ang kanilang mga mukha ay nagkakalinya sa mga mask na dumidiin sa kanilang mga balat.

Nagsusuot na rin sila ng adult diapers para hindi na pabalik-balik sa comfort room.

Related video:

vuukle comment

NURSE

WUHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with