^

Bansa

'Inalipin ako': Ex-POGO worker mula Taiwan ikwinento ang pang-aabuso ng Tsinong boss

James Relativo - Philstar.com
'Inalipin ako': Ex-POGO worker mula Taiwan ikwinento ang pang-aabuso ng Tsinong boss
Isang "Michael Yang" daw ang protektor sa gobyerno ng mga iligal na gawain ng kanilang POGO. Hindi pa klaro kung pareho ito sa Michael Yang na dating adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Videograb mula sa Facebook ni Sen. Risa Hontiveros

MANILA, Philippines — Sa gitna ng problema ng gobyerno na iregula ang mga Philippine offshore gaming operators sa bansa, isang dating POGO worker ang naglakas-loob humarap sa media para ikwento ang kalupitang sinapit niya habang nasa loob nito.

Sa isang press-conference, Miyerkules, iniharap ni Sen. Risa Hontiveros ang 23-anyos na Lai Yu Cian, na sinagip kamakailan ng National Bureau of Investigation dahil sa human trafficking.

 

 

"They treat me like a slave. I want to be strong to say everything about them... I don't wanna hide my face anymore. I wanna tell everyone that I'm asking for help," pahayag niya.

Nakapasok daw ang Taiwanese national sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang tourist visa, hanggang sa kunin daw sa kanya ng una niyang kumpanya ang kanyang pasaporte.

Trabaho sa advertising daw ang ipinangako sa kanya ngunit nang dumating sa Pilipinas, ipinasok na lamang daw siya sa isang POGO company, ayon sa state-run Radyo Pilipinas.

"Every time my boss, when he is mad, he always shouted in Chinese saying, 'You are now my slave. I already bought you,'" sabi ng Taiwanese, na may palayaw na "Ivy."

"My boss threatened me and abused me. Mental and physical."

Nagmaka-awa na rin daw ang banyaga na makauwi siya sa kanilang bansa, ngunit sapilitan daw ang pagtratrabahong hinihingi sa kanila.

Ilang beses na rin daw niya naisipang magpatiwakal ngunit hindi ito magawa dahil naiisip niya ang kanyang pamilya.

Paulit-ulit din daw na sinasabi sa kanila ng kanyang Tsinong boss na malakas ang kapit nila sa gobyerno, kung kaya't hindi siya basta makatakas sa trabaho.

"So I think even [if] I ran away, they will still find me and kill me," dagdag pa niya.

Nang salakayin ng NBI ang kanilang opisina, sinabi ng Taiwanese na hindi sumama ang iba pang Chinese nationals na katrabaho sa dahilang pinagbabantaan daw ang kanilang pamilya sa Tsina.

"[T]hey don't care to go with NBI because our boss kept threatening them in Chinese that if anyone go with NBI, their family in China would be [in danger]," wika pa ni Ivy.

Nitong Nobyembre, inaresto pa lang ng NBI ang isang Tsinong operator ng POGO at dalawang iba pa dahil sa pag-arkila ng mga hotel rooms kung saan ipinuputa raw ang ilang kababaihang Tsino.

Nitong Enero lang nang ilahad sa isang Senate hearing na nagagamit sa prostitusyon sa nasabing industriya ang ilang kababaihan — ang iba 14-anyos pa lang.

Ayon sa Department of Finance, umabot sa P6.42 bilyon ang buwis ang nalikom na buwis ng gobyerno sa mga POGOs noong 2019, na 169% pagtaas mula sa P2.38 bilyon noong 2018.

Sugal ang serbisyong inilalako ng mga POGO na nag-eempleyo ng maraming Tsino, kahit na ipinagbabawal ang pagsusugal sa People's Republic of China.

Protektor sa loob ng gobyerno?

Habang nasa kalagitnaan ng press conference, paulit-ulit na binanggit ni Ivy na merong protektor sa gobyerno ang mga iligal na gawain ng mga POGOs sa bansa.

Kanya naman itong pinangalanan.

"[T]here is a very powerful government people called 'Michael Yang.' I heard that once or twice from my boss," banggit ng babae.

Ayon kay Hontiveros, wala pa raw pagsusumikap na ginagawa para kumpirmahin kung iisa ang Michael Yang na dating adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang Michael Yang na tinukoy na protektor ng mga POGO.

vuukle comment

CHINA

GAMBLING

HUMAN TRAFFICKING

PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATORS

RISA HONTIVEROS

TAIWAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with