^

Bansa

Kaliwa Dam loan deal busisiin

Pilipino Star Ngayon
Kaliwa Dam loan deal busisiin
Nanindigan ang grupo na labag sa Konstitusyon ang loan agreement para sa naturang dam project na nagkakahalaga ng P12.20 bilyon.
dof.gov.ph

MANILA, Philippines — Hinamon ng Makabayan bloc sa Kamara ang gobyerno na patunayang hindi lugi ang mga Pilipino sa pinasok nitong kontrata sa China para sa pagtatayo ng Kaliwa Dam at Chico River Pump Irrigation na magmumula sa Quezon hanggang sa Tanay, Rizal.

Nanindigan ang grupo na labag sa Konstitusyon ang loan agreement para sa naturang dam project na nagkakahalaga ng P12.20 bilyon.

Binanggit ni Bayan Muna Rep. Isagani Carlos Zarate na kabilang sa iligal na probisyon sa kasunduan ang Article 5-7 nito na nagsasaad na hindi entitled ang Pilipinas o anumang asset nito sa right of immunity, Article 8.1 na tinatalikuran ng Pilipinas ang anumang right of immunity base sa sovereign o anumang legal process at Article 8.4 na nagsasabing ang kasunduan ay alinsunod sa batas ng China.

Kinontra rin ni Zarate ang ibinebenta ng Metropolitan Waterworks Sewerage System na ang ang pagtatayo ng Kaliwa Dam ang solusyon para maiwasan ang panibagong krisis sa tubig at tutugon sa malaking pagkakukulang sa kapasidad ng Angat Dam na pangunahing pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila.

Ayon kay Zarate, maaaring resolbahin ang water crisis nang hindi kinakailangang magtayo ng dam na bukod sa malapit na sa fault line ay magdi-displace pa sa mga indigenous people at maglulunod sa bansa sa panibagong foreign debt lalo at 2% ang interest rate sa uutangin sa China.

Binira rin ni Bayan Muna Chairman Neri Colmenares ang confidentiality clause sa Kaliwa Dam project. Ayon kay Colmenares, dahil sa confidentiality clause na ito ay hindi basta-basta magkakaroon ng access sa naging loan agreement.

Samantala, sinabi ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat na malinaw na diskriminasyon sa mga katutubo ang pagtatayo ng Kaliwa Dam.

Buwelta naman ni Colmenares sa DOF, tukuyin muna nito ang mga loan agreement sa ibang bansa na sinasabi nitong may mga confidentiality clause rin.

vuukle comment

KALIWA DAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with