^

Bansa

DFA team nakapasok na sa ‘ground zero’ sa Wuhan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
DFA team nakapasok na sa �ground zero� sa Wuhan
Sa sandaling makabalik sa Pilipinas, dadalhin ang mga iuuwing OFWs sa Athlete’s Village sa New Clark City sa Tarlac kung saan isasailalim sila sa 14 days quarantine upang matiyak na hindi sila nagkaroon ng coronavirus.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Nakapasok na sa Wuhan City,  ang lugar na itinutu­ring na “ground zero” ng novel coronavirus, ang team ng Department of Foreign Affairs.

Inaasahang maibabalik na sa bansa ang nasa 45 Filipino kapag natapos ang isinasagawang proseso.

Nauna rito, sinabi ni Undersecretary Brigido Dulay na ngayong araw aalis sa Wuhan ang mga Filipino at inaasahang darating bukas.

Ang team ay pinamumunuan ni Mark Anthony Geguera at Sanny Darren Bejarin ng Philippine Consulate sa Shanghai.

Sa sandaling makabalik sa Pilipinas, dadalhin ang mga iuuwing OFWs sa Athlete’s Village sa New Clark City sa Tarlac kung saan isasailalim sila sa 14 days quarantine upang matiyak na hindi sila nagkaroon ng coronavirus. 

vuukle comment

WUHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with