^

Bansa

Pinay sa Dubai namatay sa pneumonia ‘di sa virus

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

Bello nag-sorry…

MANILA, Philippines — Humingi ng pasensya si Labor Secretary Silvestre Bello III sa pamahalaan ng Dubai nang sabihin nitong isang Pilipino ang nasawi roon dahil sa coronavirus.

Nilinaw din ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi novel coronavirus ang sanhi ng ikinamatay ng Pinay na si Amalia Collado Daproza kundi respiratory infection o pneumonia.

Ayon kay Bello, lumilitaw na negatibo ang specimen sa coronavirus sa pagsusuri ng Dubai Health Authority.

Nitong Huwebes, inanunsyo ni Bello na nasawi umano ang isang OFW dahil sa “coronavirus” ngunit hindi naman nito sinabi na novel coronavirus ang sakit nito.

Ngunit sa isang Facebook post, sinabi ng Dubai Government Media Office na ipinakita sa mga pagsusuri na wala itong virus.

Samantala, nakalabas na ang unang Pinay sa Hong Kong na sumailalim sa quarantine dahil sa hinalang may novel coronavirus.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay na walang ipinakitang sintomas ng nCoV ang hindi pinangalanang OFW kaya pinalabas na ito.

Tinapos ng Pinay ang 14 na araw na quarantine. 

Bukod sa nakalabas na Pinay, may isa pang Filipina na sumasailalim sa quarantine dahil sa posibilidad na mayroon itong nCoV matapos mag-positibo ang kanyang employer na pumanaw na.

Siya ang unang namatay sa Hong Kong na may nCoV. Malou Escudero

 

vuukle comment

DUBAI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with