^

Bansa

Pinay sa Dubai hindi nCoV ang ikinamatay ngunit pulmonya

Philstar.com
Pinay sa Dubai hindi nCoV ang ikinamatay ngunit pulmonya
Paghahanda ng Egyptian Quarantine Authority sa pag-scan ng temperatura ng mga pumapasok sa Cairo International Airport laban sa pagpasok ng 2019-nCoV ARD.
AFP

MANILA, Philippines — Inilinaw ng government-run media ng United Arab Emirates na hindi namatay dahil sa Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease (2019-nCoV ARD) ang overseas Filipino worker na naibalitang nasawi sa Dubai.

Una nang ibinalitang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na namatay sa hindi pa nalalamang strain ng coronavirus ang Filipina.

"Ang kamatayan niya ay dulot ng pulmonya at nagnegatibo ang babae sa novel coronavirus," sabi ng Dubai Media Office sa Twitter sa Inggles.

Sinasabing tubong General Santos City ang 58-anyos na babae, na 28 taon nang nagtratrabaho sa Gitnang Silangan.

Inaasikaso na ang pagpunta ng anak ng yumaong Pinay patungong Dubai upang maiuwi ang labi ng kanyang ina.

Isa ang UAE sa mga bansang may mga kumpirmadong kaso ng 2019-nCoV ARD at Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV), na parehong nakamamatay at kumalat na sa iba't ibang bansa.

Matatandaang naiulat ng Gulf News na wala pang namamatay bunga ng 2019-nCoV ARD sa kanilang bansa.

Mahigit-kumulang 630 na ang namamatay sa 2019-nCoV ARD matapos maitala ang 69 panibagong kaso ng fatalities sa probinsya ng Hubei sa Tsina, na pinagmulan ng sakit.

Nasa 2,447 kaso ng nCoV din ang naidagdag sa nasabing lugar, ayon sa health commission ng probinsya. — James Relativo

vuukle comment

DUBAI

NOVEL CORONAVIRUS

OVERSEAS FILIPINO WORKER

SILVESTRE BELLO III

UNITED ARAB EMIRATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with