^

Bansa

3rd nCoV case sa Pinas kinumpirma

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
3rd nCoV case sa Pinas kinumpirma
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, dumating ang dayuhan sa Cebu City, mula Wuhan, via Hong Kong noong Enero 20 at kinabukasan ay dumiretso sa Bohol.
AFP/Roslan Rahman

MANILA, Philippines — Isang 60-anyos na babaeng Chinese ang ikatlong kumpirmadong kaso ng 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (ARD) sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, dumating ang dayuhan sa Cebu City, mula Wuhan, via Hong Kong noong Enero 20 at kinabukasan ay dumiretso sa Bohol.

Enero 22 ay hindi na umano maganda ang pakiramdam ng pasyente kaya’t nagpakonsulta umano ito sa isang pribadong pagamutan sa Bohol dahil sa lagnat at sipon.

Kaagad itong ini-admit at kinuhanan ng samples ng mga doctor noong Enero 23 at 24.

Lumabas sa test ng Victorian Infectious Di­seases Reference Laboratory sa Australia at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa na negatibo sa nCoV ang mga sample na kinuha sa babae.

Nang gumaling, na-discharge ang babae at pinayagang makabalik ng China mula Cebu noong Enero 31.

Pero noong Lunes, inabisuhan ng RITM ang DOH na nagpositibo sa novel coronavirus ang samples ng babae na kinuha noong Enero 23.

Inalerto na rin umano ng DOH ang Chinese authorities na nakabalik na roon ang naturang pas­yente.

Sinimulan na rin ng DOH Epidemiology Bureau ang paghahanap sa mga taong nakasalamuha ng babae.

Ito na ang ikatlong kumpirmadong kaso ng nCoV sa Pilipinas na ang una ay isang Chinese na babae rin na edad 38-an­yos na ngayon ay bumubuti na ang kondisyon.

Ang ikalawa ay ang lalaking partner nito na pumanaw noong Pebrero 1 dahil sa kumplikasyon ng pneumonia.

Samantala, umabot na sa 133 ang patients under investigation o iyong mga inoobserbahan para sa naturang coronavirus.

vuukle comment

ARD

ERIC DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with