^

Bansa

Galunggong, lalagyan ng SRP

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maglalagay na ang Department of Agriculture ng suggested retail price (SRP) para sa isdang galunggong sa gitna ng mahal na bentahan nito sa mga palengke, ayon kay Agriculture Secretary William Dar.

Kasalukuyang nasa P240 hanggang P260 ang presyo ng kada kilo ng galunggong sa mga palengke mula sa dating P160 hanggang P180 kada kilo. Nasa P180 naman ang presyo ng kada kilo ng imported galunggong.

Mataas umano ang presyo bunsod ng kaunting bagsak ng galunggong dahil sa closed fishing season mula Oktubre hanggang Enero.

Pero iginiit ni Dar na hindi dapat umabot sa P200 ang galunggong.

Sinabi rin ni Dar na balak niyang kanselahin ang pagdating ng 18,000 metric tons ng imported galunggong galing China at Vietnam dahil dapat ay hanggang Enero lang ang pag-angkat ng nasabing isda.

Nagsimulang mag-ang­kat noong Disyembre ang bansa ng galunggong para matugunan ang kakula­ngan sa suplay ng isda sa merkado.

vuukle comment

SRP

WILLIAM DAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with