^

Bansa

Angkas kinalampag sa napisak na rider, pasahero

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Angkas kinalampag sa napisak na rider, pasahero
Ang insidente ay nangyari sa Mandaue City, Cebu noong Enero 22 ng gabi at kinilala ang mga nasawi na sina Gerry Boy Chavez, 47 at Jessa Biola, 26.
STAR/File

MANILA, Philippines — Walang sinuman umano sa mga kinatawan ng DBDOYC Inc., operator ng motorcycle-hailing app na Angkas, ang umako ng responsibilidad sa pagkamatay ng rider at customer isang linggo matapos masagasaan ng isang truck ang sinasakyan nilang motorsiklo.

Ang insidente ay nangyari sa Mandaue City, Cebu noong Enero 22 ng gabi at kinilala ang mga nasawi na sina Gerry Boy Chavez, 47 at Jessa Biola, 26. 

Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Commissioner Antonio Gardiola na tumatayong hepe ng Technical Working Group (TWG) on Motorcycle Taxi, kasalukuyan nilang inaalam kung may pruweba ba ang Angkas sa pagsasabing hindi nito rider si Chavez.

Idinagdag ni Gardiola na umaasa ang mga pamil­ya ng mga biktima na makatatanggap ng insurance claims at iba pang kaukulang ayuda mula sa Angkas.

Nakasaad sa police report na inihahatid ng Angkas rider na si Chavez ang kanyang pasaherong si Biola patungo sa isang mall nang maaksidente sila sa M.C. Briones St. sa nasabing lungsod.

Ayon sa driver ng truck na si Edgar Oncenes, 50, hindi niya napansin ang pagsulpot ng motorsiklong sinasakyan nina Chavez at Biola at nagulat na lamang siya nang pumailalim ang dalawa sa kanyang minamanehong sasakyan.

Lumalabas din sa imbestigasyon na si Chavez ay isang registered Angkas biker at suot niya ang isyung full uniform noong mismong araw ng aksidente.

Samantala, sa isa rin pagdinig sa Kamara kamakailan, sinita ni Caloocan Rep. Edgar Erice si Gardiola dahil tila hindi ginagawa ng pinamumunuan nitong TWG ang pagsusulong ng kaligtasan at mga kapakanan ng mga Pilipino commuter.

Sinabi ni Erice na may “bias for players” ang TWG ni Gardiola at nakapagtataka na palaging pumapabor sa Angkas ang karamihan ng mga importanteng desisyon ng grupo.

vuukle comment

DBDOYC INC.

EDGAR ONCENES

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with