^

Bansa

‘Colorum’ courier services tugisin

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Takdang isumite ngayon ng Citizens Crime Watch sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang kanilang liham na humihiling kay DICT Secretary Gregorio Honasan na imbestigahan ang mga tinatawag na “colorum” at ilegal na courier services sa bansa.

Hihilingin sa sulat na pirmado nina Diego Magpantay at Atty. Ferdinand Topacio, hepe ng CCW legal panel, kay Honasan na bumuo ng isang grupo na magsisiyasat sa patuloy na operasyon ng mga ilegal na courier services na hindi dumaraan sa control at superbisyon ng DICT.

Hinihingi rin ng liham ng CCW kay Honasan na gumawa ito ng mabisang hakbang laban sa mga opisyal ng DICT na nagpabaya sa tungkulin kaya patuloy na namamayagpag ang ilegal na operasyon ng mga walang lisensiya at hindi rehistradong courier sa bansa.

Tinatayang aabot sa mahigit 100  ang deli­very services, pawang walang lisensiya at hindi nakarehistro sa DICT ang patuloy sa kanilang ilegal na operasyon.

Kabilang sa tinatawag na “big players” ay may kita na umaabot sa daan-daang milyong piso at pag-aari ng mga dayuhan – na isang mabigat na paglabag sa mga batas ng Corporation Code.

Kasama sa rekla­mong nais paimbestigahan ng CCW ay kung paano pinayagang makapagrehistro ang ilang courier services sa kabila na may nakitang mga paglabag sa mga regulasyon ng Corporation Code at hindi dumaan sa regulasyon at superbisyon ng DICT.

vuukle comment

DICT

FERDINAND TOPACIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with