^

Bansa

LGUs binalaan sa tricycle sa highway

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lagot at papatawan ng kaukulang kaparusahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga local executives na mabibigong magpatupad ng mga restriction o paghihigpit laban sa tricycle sa national highway.

Ito ang babala ni Interior Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya bunsod na rin ng nagpapatuloy na implementasyon ng nationwide clearing sa mga kalsada at lansangan sa bansa.

Kasunod na rin ito nang gagawing pagpapalabas ng DILG ng bagong direktiba sa mga local government units (LGUs) para sakupin ang pagbabawal sa mga tricycle sa mga pangunahing lansangan.

Kinakailangan din umanong bigyan ang mga tricycle ng alternatibong ruta upang hindi na kaila­nganin pang dumaan sa mga main thoroughfares.

Sa ilalim ng bagong circular, ang mga LGUs ay bibigyan lamang ng 45-araw, simula sa Pebrero 15, upang linisin ang mga tertiary roads sa kanilang nasasakupan mula sa anumang obstruction, kabilang dito ang pagpapatupad ng highway ban sa mga tricycle.

Matatandaang noong nakaraang taon, inatasan ng DILG ang lahat ng mga lokal na pamahalaan sa bansa na linisin ang kanilang mga nasasakupan sa lahat ng uri ng road obstructions.

vuukle comment

JONATHAN MALAYA

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with