^

Bansa

Pinoys pabor sa single-use plastic ban

Pilipino Star Ngayon
Pinoys pabor sa single-use plastic ban
Noong nakaraang taon ay naglunsad ang condiments maker na NutriAsia Inc. ng refilling initiative na tinawag na “Bring Your Own bottle” para mahikayat pa ang mga consumers na muling gamitin ang kanilang malinis na plastic at glass bottles.
CC By 2.0

MANILA, Philippines — Mayorya ng mga Filipino ang payag sa nationwide ban sa paggamit ng single use plastics.

Sa survey na ginawa ng Social Weather Station (SWS), 71 porsiyento ng mga Pinoy ang nais gamitin ang Sando bags, 71%; plastic straws at stirrers, 66%; plastic labo bags, 65%; styrofoam o polstyrene food containers, 64%; sachets, 60%; doy pack para sa juices,59%; plastic drinking cups, 56%; cutlery tulad ng plastic na kutsara at tinidor, 54%; plastic bottles para sa juice,49% at plastic bottles para sa tubig na 41%.

Lumalabas din sa pag-aaral na pito sa 10 Pinoy ay handang bumili ng food condiments tulad ng oil, soy sauce at suka na nakalagay sa refillable containers sa halip na sa sachets.

Noong nakaraang taon ay naglunsad ang condiments maker na NutriAsia Inc. ng refilling initiative na tinawag na “Bring Your Own bottle” para mahikayat pa ang mga consumers na muling gamitin ang kanilang malinis na plastic at glass bottles.

Layun din ng kampanya na mangolekta ng plastic materials kabilang dito ang empty sachets at snack packs na maaaring magamit para makagawa ng silya at iba pang kagamitan para sa mga local high school.

Umaasa naman ang mga consumers na makakahanap ng alternatibong materials sa plastic para mabawasan ang basura nito sa bansa.

vuukle comment

SOCIAL WEATHER STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with