^

Bansa

Pinas N-CoV free pa rin

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Pinas N-CoV free pa rin
Ginamitan ng security guard ng Chiang Kai-shek College sa Tondo, Manila ng forehead infrared thermometer ang bawat pumapasok na empleyado at faculty members bilang precautionary measure laban sa coronavirus. Nagdeklara ng 2 weeks class cancellation ang naturang Chinese school.
Edd Gumban

MANILA, Philippines – Nasa 27 na ang bilang ng mga binabanta­yang pasyente sa bansa o persons under investigation (PUI) matapos makitaan ng sintomas ng 2019 Novel-CoronaVirus (N-CoV).

Sa kabila nito, iginiit ng Department of Health na wala pang kaso ng N-CoV na naitatala sa bansa at walang Pinoy na nakitaan ng N-CoV symptoms.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang 27 PUIs ay may travel history na galing sa Wuhan, China.

Nilinaw naman ng DOH na puro Chinese nationals ang iniimbestigahan ngayon. Kasama na rito ang tatlong Chinese na dinala sa San Lazaro Hospital at 2 pa NCR.

Kinuhanan ng samples ang mga ito at dinala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa pagsusuri.

Sa sandaling makitaan ng virus, dadalhin naman sa Australia para sa confirmatory test.

Pinaalalahanan naman ni Sec. Duque ang mga matatanda at may sakit na gumamit ng surgical mask para sa kanilang proteksiyon lalo pa’t sila ang madaling tamaan ng virus.

Kailangan aniyang palakasin ang immune system at kumain ng mga sariwang gulay at prutas.

 

vuukle comment

FREE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with