^

Bansa

'Bumberong may baril?': Pag-aarmas sa BFP tuloy ngayong 2020

Philstar.com
'Bumberong may baril?': Pag-aarmas sa BFP tuloy ngayong 2020
Agosto noong 2019 nang sabihin ni Duterte na gusto niya itong gawin para makatulong ang firefighters sa pulis at militar na "maghabol at pumatay ng kaaway ng estado."
The Freeman/Aldo Nelbert Banaynal, File

MANILA, Philippines — Matutuloy ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga  miyembro ng Bureau of Fire Protection, pagkukumpirma ni Interior Secretary Eduardo Año, Lunes.

Sabi ng Department of the Interior and Local Government, tinitignan nila ngayon ang halagang P800 milyon hanggang P900 milyon para makabili ng mga baril para sa mga kawani ng BFP.

Agosto 2019 nang sabihin ni Duterte na gusto niya itong gawin para makatulong ang firefighters sa pulis at militar na "maghabol at pumatay ng kaaway ng estado."

"Ang plano ng presidente na armasan ang BFP ay matutuloy. hayaan niyo kaming ipinal ang mga rekisitos at dokumento para makakuha kami ng kinakailangang pondo," sabi niya habang nanunumpa ang bagong direktor ng BF na si Jose Segundo Embang sa Inggles.

"Siyempre, ang primaryang trabaho nila ay pumatay ng apoy at emergency response, pero magandang armado ang BFP sa tuwing gumagawa sila ng misyon."

Nais din daw nilang pabilisin ang bidding at procurement process upang tuluyan nang mabigyan ng baril ang 29,000 miyembro ng BFP ngayong taon.

Sinabi naman ni Embang na suportado niya ang plano, lalo na't nagbabago ang stiwasyon ng bansa pagdating sa kapayapaan at seguridad. — James Relativo at may mga ulat mula kay The STAR/Romina Cabrera

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

EDUARDO ANO

FIREFIGHTERS

GUNS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with