^

Bansa

56 na patay sa China virus

Pilipino Star Ngayon
56 na patay sa China virus
Isinailalim na sa lockdown ang Hubei, isang lalawigan ng China na lubhang tinamaan ng naturang sakit para mapabagal ang pagkalat nito. Nagmula ang virus sa lunsod ng Wuhan na sakop ng Hubei.
AFP / Hector Retamal

MANILA, Philippines — Pinalawak kahapon ng China ang mga pag­hihigpit sa mga paglalakbay para masugpo ang nakakahawang sakit na coronavirus na pumatay na ng 56 tao at dumapo sa halos 2,000 pang biktima.

Isinailalim na sa lockdown ang Hubei, isang lalawigan ng China na lubhang tinamaan ng naturang sakit para mapabagal ang pagkalat nito. Nagmula ang virus sa lunsod ng Wuhan na sakop ng Hubei.

Tatlong lunsod pa kabilang ang Beijing ang nagbawal na sa pag-alis o pagpasok ng mga bus sa kanilang mga nasasakupan.

Kumalat na umano sa buong China ang virus at sa buong mundo rin nang makumpirmna ng mga ganitong kaso sa iba’t-ibang bansa tulad sa France, Australia, Japan, United States, Canada, Malaysia, Vietnam at iba pa.

Inihanda naman ng US at ng France na mailikas mula sa Wuhan ang kani-kanilang mga mamamayan rito.

Umabot na umano sa 56 ang bilang ng mga namatay makaraang maireport ang 15 pang nasawi na pawang sa Hubei. Napaulat na meron na ring namatay sa naturang sakit sa Shanghai.

Sinasabi ng pamahalaan ng China na karamihan ng mga namatay ay mga matatanda o mga tao na pinahina na ng pre-existing health conditions.

Nagkaroon na rin ng kautusan na tukuyin at i-isolate ang mga taong nagdadala ng virus sa mga eroplano, tren at bus.

Kahapon, nagbabala na si President Xi Jinping sa posibilidad na maharap ang China sa isang “grave situation” habang doble kayod sa ngayon ang mga awtoridad para lamang ma-contain ang respiratory illness na ito.

vuukle comment

CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with