Alyansa ng Pinas at US tuloy - Palasyo
MANILA, Philippines — Siniguro ng Malacañang na walang dapat ikabahala ang publiko sa naging desisyon ni Pangulong Duterte na ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA).
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, tuloy pa rin naman ang alyansa ng Pilipinas at US. Hindi naman gaya ng VFA, hindi ibabasura ng pangulo ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), mutual logistics and service agreement, military assistance agreement at ang mutual defense treaty.
Anya, naging kapaki-pakinabang lamang sa Amerika ang VFA dahil ang mga Amerikanong sundalo ang nabigyan ng pribilehiyo.
Inihalimbawa ni Panelo na sa ilalim ng VFA, kapag may nagawang krimen ang Amerikaong sundalo, walang hurisdiksyon ang Pilipinas hanggat hindi ito nagkaroon ng litigant importance gaya nang naging kaso noon ni Corporal Daniel Smith na nadawit sa panggagahasa sa Subic, Zambales noong 2005.
Hindi rin maaapektuhan ang kampanya ng pamahalaan kontra terorismo dahil malakas pa rin naman ang puwersang militar, sabi ni Panelo.
- Latest