^

Bansa

Goods na may ASF ibinaon ng BOC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos na mag-po­sitibo sa African Swine Flu (ASF), kaagad na inutos ni Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang ‘condemnation’ o ibaon sa lupa ang mga goods na natagpuan sa isang container na naka-consigned sa isang meat trader company.

Nagpalabas na rin ang BOC ng alert order para sa iba pang shipment na naka-consigned sa kumpanyang Dyna­mic M Intl Trading Inc., na may warehouse sa Kawit, Cavite. 

Maghahain rin ang BOC ng kaso laban sa kumpanya at irerekomenda ang pagbawi ng lisensiya ng brokers nito.

Noong Disyembre, may 134 cargo na nag­lalaman ng iba’t-ibang uri ng frozen seafood products ang nakum­piska matapos na mabigo ang consignees nito na makakuha ng kaukulang permit para sa kanilang importasyon. Ang shipment na naka-consigned sa Dynamic M Intl Trading Inc. ay dumating noong Disyembre 11 noong nakaraang taon.

Naglalaman ito ng pecking duck at ilang misdeclared items, na siyang nagtulak kay Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro na irekomenda para sa pagsusuri, kung saan lumitaw na ang mga produkto ay kontaminado ng ASF.

vuukle comment

ASF

BOC

DYNA­MIC M INTL TRADING INC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with