Go suportado ang sektor ng pangingisda
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Sen. Bong Go ang groundbreaking ceremony para sa itatayong P776-million development ng Lucena Fish Port Complex sa Lucena City.
“Congratulations sa inyo sa inyong bagong fish port dito. Alagaan ninyo ang inyong karagatan, lalong-lalo na ang fishing industry dito sa Quezon,” ani Go sa mga residente ng lalawigan.
Ang naturang fish port na matatagpuan sa 7.8 ektaryang reclaimed area sa Barangay Dalahican ay itatayo sa ilalim ng Nationwide Fish Ports Project Package III ng gobyerno.
Kabilang sa development ang construction, rehabilitation at improvement ng kasalukuyang pasilidad sa fish port kagaya ng pier, market hall, cold storage, ice plant at waste water treatment plant.
May mga bago ring pasilidad na itatayo at may mga bagong kagamitan na bibilhin.
“Alam niyo, 1991 pa huling na-repair itong fish port. Panahon na po para ito magkaroon ng rehabilitation,” ayon sa senador.
Mga sardines, bangus, round scad, skipjack tuna at bullet tuna ang ilang pangunahing ibinabagsak sa naturang fish port.
- Latest