^

Bansa

30% tsansa ng malaking pagsabog sa Taal - Phivolcs

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
30% tsansa ng malaking pagsabog sa Taal - Phivolcs
Ipinaliwanag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology Undersecretary Renato Solidum na narating ng mga eksperto ang naturang bilang pagkaraan ng iba’t ibang scientific considerations.
AFP/Ed Jones

MANILA, Philippines — Merong 30 porsiyentong tsansa na lang na magkaroon ng malaking pagsabog sa bulkang Taal, ayon sa Phivolcs.

Ipinaliwanag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology Undersecretary Renato Solidum na narating ng mga eksperto ang naturang bilang pagkaraan ng iba’t ibang scientific considerations.

Hanggang kahapon, naobserbahan ang nabawasang sulfur dioxide emissions at kumonti ang volcanic earthquakes sa bulkang Taal.

“High’ pa rin anya ang 30-percent proba­bility lalo na sa high-risk areas sa loob ng 14-kilometer radius mula sa main crater ng Taal Volcano. Hindi anya dapat magwalambahala ang mga mamamayan dito.

“Mataas yung 30% para doon sa nasa loob ng danger zone,” sabi ni Solidum.

Sinasabi naman ni Phivolcs Volcano Monito­ring and Eruption Prediction Division chief Mariton Bornas na tumaas ng hanggang 70 percent ang probability na magkaroon ng malaking pagsabog nang unang dumagundong ang bulkang Taal mahigit isang linggo na ang nakakaraan. Maaari anyang magbago ang mga probabilities anumang oras.

“Nagbabago ‘yan... ito pong condition ng volcano can change lalung-lalo na po ang magma na galing sa ilalim na bago ay dumating na sa ibabaw,” sabi ni Solidum.

Umakyat na anya ang magma pero hindi pa iniluluwa. Tinitignan ng Phivolcs ang mara­ming posibleng senaryo.

“Puwede siyang tumuloy, magkaroon ng pagsabog na malakas-delikado sa mga tao. Puwede rin siyang tumigil na at sana ganoon na, hindi na masyadong problema,” sabi niya. 

vuukle comment

PHIVOLCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with