^

Bansa

Magbebenta ng yosi, alak sa menor nais parusahan ng hanggang P500k multa, 12 taong kulong

James Relativo - Philstar.com
Magbebenta ng yosi, alak sa menor nais parusahan ng hanggang P500k multa, 12 taong kulong
Malaki itong pagtaas mula sa kasalukuyang P5,000 multa at hanggang 30 araw na kulong na ipinapataw ng Republic Act 9211 (Tobacco Regulation Act of 2003) sa mga magbebenta o magpapamahagi ng sigarilyo sa mga menor.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Gustong patindihin ng isang senador ang ipinapataw na parusa sa mga tao't establisyamento na magbebenta at magpapamahagi ng produktong tabako at alak sa mga menor de edad.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, inihain niya ang Senate Bill 1208, o "Protection of Minors from Sin Products Act," noong Nobyembre upang mailayo ang mga bata mula sa peligro ng alkohol, tabako, kabilang ang vapor products o "vape".

Sa ilalim nito, pwedeng pagmultahin ng mula P100,000 hanggang P500,000 ang sinumang mahuhuling lalabag dito.

Pwede ring silang makulong ng hindi bababa sa anim na taon ngunit hindi lalagpas ng 12 taon.

Kung establisyamento ang lumabag, ang manager, kinatawan, direktor, ahente o empleyado ang makukulong.

Nobyembre lang nang unang maitala ang unang kaso ng "electronic-cigarette or vaping product use associated lung injury" sa Pilipinas, na nakita sa isang 16-anyos na babae mula Central Visayas.

Ika-18 ng Disyembre taong 2019 nang ipasa ng parehong Senado at Kamara ang pagtataas ng excise tax sa alak, tabako at vapor products.

'Mas may pangil sa kasalukuyang batas'

Malaki itong pagtaas mula sa kasalukuyang P5,000 multa at hanggang 30 araw na kulong na ipinapataw ng Republic Act 9211 (Tobacco Regulation Act of 2003) sa mga magbebenta o magpapamahagi ng sigarilyo sa mga menor.

Nagpapataw din ang RA 9211 ng buwis at regulasyon sa paggamit at possession ng mga "sin products," bagay na hindi raw epektibo sabi ni Recto.

Dagdag niya pa, kailangan ng mas mabibigat na parusa sa mga magbibigay access sa mga menor rito para maproteksyunan ang kabataan.

Maliban sa mga ipapataw na penalty, pwede ring tanggalan ng business permit at lisensya ang mga lalabag oras na maisabatas ang panukala ni Recto.

vuukle comment

ALCOHOL

MINORS

RALPH RECTO

SIN PRODUCTS

TOBACCO

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with