^

Bansa

'Wala palang lason': Isda sa Taal Lake ligtas kainin, pagkambyo ng gobyerno

James Relativo - Philstar.com
'Wala palang lason': Isda sa Taal Lake ligtas kainin, pagkambyo ng gobyerno
'Yan ang natuklasan ng DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa ginawa nilang laboratory analyses ng tubig at isda roon, taliwas sa naunang babala ng Department of Health na maaari itong magdulot ng "food poisoning."
AFP/Ed Jones

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Agriculture — Disaster Risk Reduction and Management Operations Center na ligtas kainin ang mga isdang matatagpuan sa Lawa ng Taal matapos nitong pumutok at magbuga ng peligrosong ashfall.

'Yan ang natuklasan ng DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa ginawa nilang laboratory analyses ng tubig at isda roon, taliwas sa naunang babala ng Department of Health na maaari itong magdulot ng "food poisoning."

"[L]umalabas na ligtas kainin ang isdang makikita sa Taal Lake pero dapat sariwa ito at buhay nahuli," paliwanag ng DA-DRMM Ooperations Center sa Inggles, Linggo.

Inabisuhan nila ang publiko na hugasan at lutuin ito nang maigi at tanggalan ng laman-loob.

Dati nang sinabi ng BFAR na 15,033 metric tons ang inaasahan nilang production loss dahil sa fishkill bunsod ng "mataas na sulfur content mula sa volcanic eruption."

Narito ang kasalukuyang hatian ng pinsala ng Bulkang Taal sa sektor ng agrikultura:

  • isda (49.8%)
  • pinya (16.4%)
  • kape (11.2%)
  • niyog (5.8%)
  • saging (4.3%)
  • iba pa (12.5%)

 

 

Umabot na sa P1.6 bilyon ang pinsala sa fisheries sector sa paligid ng Taal, na nagmula sa 6,000 palaisdaan.

Kasama rin sa mga napinsalang pananim ay ang palay, mais, cacao, kamoteng kahoy, gulay at mga pagkamatay ng mga hayop.

'Mangingisda kailangan ng tulong'

Ngayong napatunayan nang ligtas kainin ang isda, humihingi naman ng ayuda ang isang militanteng grupo ng mga mangingisda para masuportahan ang mga naapektuhan ng pagsabog at "premature" na anunsyo ng DOH.

"[M]asyadong maaga ang advisory warning ng Kagawaran ng Kalusugan laban sa pagkain ng isda sa Lawa ng Taal, at maaaring labis na makaapekto ito sa kita ng maliliit na mangingisda at karaniwang konsumer," sabi ni sabi ni Fernando Hicap, pambansang tagapangulo ng PAMALAKAYA, sa Inggles.

Sa ngayon, nasa P30 kada kilo na lang daw kasi ang farm gate price ng tilapia at maaaring lalong bumaba raw ito dahil sa nakuhang paninira.

"[U]maapela kami sa DOH na tanggalin ang advisory nito para mapigilan ang paglala sa mga consumer at upang mapigilan ang 'di makatarungang retail price increase sa merkado," dagdag niya.

Sabi pa ni Hicap, magandang tulungan ng mga awtoridad ang mga mangingisda na makabalik sa kanilang kominidad para makapangisda habang inaalagaan ang kanilang kaligtasan.

Sa ganitong paraan, maaari raw nilang maitawid ang pang-araw-araw na pangangailangan habang sila'y inililikas sa lugar.

Mapaminsalang pagsabog posible pa rin

Nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa Bulkang Taal, Lunes, na nangangahulugang posible pa rin ang "mapaminsalang explosive eruption" sa loob ng ilang oras hanggang ilang araw.

"Definitely, may papaakyat na magma. Kung ito 'yung Taal Volcano, merong magma sa ilalim, may nagsu-suplay pa roon," sabi ni Renato Solidum, direktor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, kanina.

"Ito ay nakita na natin immediately after the eruption. At habang umaakyat ito, nagkakaroon ng uplift, o pagtulak sa lupa kaya nagkakaroon ng bitak doon sa ibabaw."

 

 

May kaugnayan din daw ang mga paglindol doon sa patuloy na pag-akyat ng magma, o tunay na bato mula sa ilalim ng lupa.

Umabot na sa 714 volcanic earthquakes ang naitala ng Philippine Seismic Network mula 1:00 n.h. noong ika-12 ng Enero.

Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang Taal Volcano Network ng 673 volcanic earthquakes, kabilang ang ilang pagyanig na hindi kayang makita ng Philippines Seismic Network.

vuukle comment

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FISH

PAMALAKAYA

PHIVOLCS

TAAL VOLCANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with