^

Bansa

Pagdikdik kay Albayalde, babala sa mga korap - Go

Pilipino Star Ngayon
Pagdikdik kay Albayalde, babala sa mga korap - Go
“This filing of cases sends a very strong message to everyone, including those personnel entrusted to implement the law, that we are serious in this relentless war against illegal drugs and we will not backtrack in this campaign,” ang pahayag ni Go.
Bong Go FB Page/File

MANILA, Philippines — Inihayag ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na isang matinding babala sa mga tiwali at lumalabag sa batas ang pagsasampa ng kasong kriminal ng Department of Justice (DOJ) sa Office of the Ombudsman laban kay dating PNP chief Oscar Albayalde at sa 12 pang pulis kaugnay ng isyung “ninja cops”.

“This filing of cases sends a very strong message to everyone, including those personnel entrusted to implement the law, that we are serious in this relentless war against illegal drugs and we will not backtrack in this campaign,” ang pahayag ni Go.

Ayon sa senador, ang pagsasampa ng kaso laban kay Albayalde at sa kanyang mga “kasapakat” ay nangangahulugan na binibigyan ng gobyerno ang bawat Filipino citizen ng oportunidad upang idepensa ang kanilang sarili sa korte.

“After all, one is presumed innocent unless proven guilty,” aniya. “Sinasabi naman po ito ng Pangulo parati na parte ng kampanya kontra iligal na droga ang internal cleansing sa gobyerno at kasama na d’yan ang sa kapulisan.” 

“Malaki ang tiwala namin sa pulis dahil sila ang nasa frontline ng laban na ito. Ito ang rason kung bakit importante na malinis at panagutin rin ang mga pulis na hindi gumaganap ng kanilang tungkulin, or worse, ay sangkot sa iligal na droga. Kung hindi po natin pananagutin ang mga opisyales ng PNP na mapatutunayang may ginawang mali, mawawala po ang kredibilidad nila sa tao at ang tiwala na ibinibigay sa kanila ng Pangulo,” dagdag pa niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with