^

Bansa

Klase sa Batangas dapat maibalik na - DepEd

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinututukan ng Department of Education (DepEd) kung paaano maibabalik ang klase ng mga mag-aaral sa Batangas sa lalong madaling panahon.

Sa launching ng Duterte Legacy sa Philippine International Convention Center (PICC), sinabi ni Education Sec. Leonor Briones na naghahanap na sila ng mga lugar na maaaring paglipatan ng mga evacuees na namamalagi ngayon sa mga paaralan o maaaring pagtayuan ng learning shelters.

Ayon kay Sec. Briones, tuwing mayroong sakuna, naaantala ang klase ng mga mag-aaral dahil ginagamit na evacuation centers ang mga paaralan.

Batay sa pinakahuling data ng DepEd, nasa higit 7,000 ang paaralan ngayon na nagsisilbing evacuation center para sa mga residenteng apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal habang nasa higit 7 million mag-aaral naman ang apektado dahil ginagamit na evacuation centers.

Samantala, sinabi ni Executive Sec. Salvador Medialdea na may natukoy na silang 3 ektaryang lupa sa Bauan, Batangas na pagtatayuan ng evacuation center o doon ilipat ang paaralan.

vuukle comment

BATANGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with