^

Bansa

Batangas isinailalim na sa state of calamity

Joy Cantos, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Batangas isinailalim na sa state of calamity
Nagsilbing isa sa mga evacuation center ang gym ng Sto. Tomas, Batangas para sa mga nagsilikas mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan na apektado ng pagsabog ng bulkang Taal.
Kuha ni Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Isinailalim na sa state of calamity ang Batangas bunga ng matinding epekto ng phreatic explosion ng Taal volcano na nagbuga ng ashfall at nakaapekto sa buong lalawigan.

Ang ashfall ay nakaapekto rin sa mga kanugnog na lalawigan ng  Rizal, Cavite, Laguna, Metro Manila at maging sa ilang bahagi ng Central Luzon.

Sa isang radio interview, kinumpirma ni Batangas Governor Mark Leviste  na ipinasya nilang isailalim sa state of calamity ang buong lalawigan matapos  magpulong ang Sangguniang Panlalawigan.

“Katatapos lang po mag-convene ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas at idineklara na nga po namin sa aming lalawigan ang state of calamity para magamit ang aming quick response or emergency fund,”  pahayag ni Leviste.

Sa pamamagitan anya nito ay mas mabilis na matutugunan ang mga pangangailangan ng mga evacuees sa mga kritikal na lugar lalo na ang mga nawalan ng kabuhayan.

Inihayag ni Leviste na nasa P60 milyon ang pondo na kanilang magagamit  na pondo para sa mga apektadong residente.

“Malawak po ang nasasakupan (pinsala ng ashfall ) dahil, kahit yung mga bayan na hindi kasing apektado, sila naman po ay  nagbukas ng evacuation centers kaya mag-a-augment tayo ng pondo,” pahayag ng opisyal.

Kabilang dito ang mga pangunahing panga­ngailangan tulad ng pagkain, tubig at iba pang mga logistical requirements ng mga apektadong libong residente.

Bunga ng matinding epekto ng ashfall ay walang kuryente sa mga bayan ng Talisay, Laurel, Agoncillo at San Nicolas.

vuukle comment

CALAMITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with