^

Bansa

'Police brutality,' pagkuha ng pulis sa cellphone ng journo sa Traslacion kinundena

James Relativo - Philstar.com
'Police brutality,' pagkuha ng pulis sa cellphone ng journo sa Traslacion kinundena
"Tinitiyak namin na hindi ito tino-tolerate ng PNP at lagi naming nire-respeto ang karapatan ng media na mag-cover ng mga events gaya nito," sabi ni Philippine National Police spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac.
Screengrab mula sa Facebook video ni Jun Veneracion

MANILA, Philippines — Umani ng batikos ang marahas na komprontasyon sa pagitan ng ilang kawani ng Philippine National Police at mga deboto ng Itim na Nazareno sa naganap na Traslacion Huwebes, ika-9 ng Enero. 

Sa Facebook video na ipinaskil ng GMA reporter na si Jun Veneracion, makikita kung paano sakalin at patumbahin ang isang deboto.

 

 

"Kinukundena namin ang labis-labis na paggamit ng dahas ng PNP sa mga deboto," sabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa Inggles ngayong Biyernes.

"Sa ugali nila, parang naghahanap na lang sila ng dahilan para gumamit ng dahas sa kahit sino."

Dagdag niya, hindi na sila nagulat sa nangyari dahil sila rin naman daw ang mga nasa likod ng "Tokhang killings" at extrajudicial killings.

"Ganito din ang asta ng mga pulis sa kanayunan," sabi naman ni Rep. Eufemia Cullamat.

Milyun-milyon ang dumalo upang tunghayan ang kaganapan kahapon dahil sa kani-kanilang panata sa Panginoong Hesus at paniniwalang milagroso ang itim Niyang imahe. 

Nanguha na ng cellphone, nagbura pa ng video

Samantala, ipinaliwanag naman ni Veneracion kung paanong kinuha ng isang police ang cellphone niya habang kino-cover ang komosyon.

"[B]igla na lang may lumabas na police general at hinablot ang mobile unit ko. Dali-dali rin siyang umalis sa eksena," wika ng GMA reporter.

"Nilapitan ako ng isa pang pulis at pinigilan akong habulin ang police office na kumuha sa telepono ko."

Bagama't hindi niya namukhaan at nakuha ang pangalan ng pulis, nakita raw niya na may mga "bituin" sa kanyang balikat.

Nilapitan na lang daw si Veneracion ng ilang photo journalists at itinuro ang isang PNP official: "Sya 'yun," sabi nila.

Lumabas na si B/Gen. Nolasco Bathan pala ang nabanggit, na isa sa mga district commanders ng National Capital Region Police Office.

Tinanong ng mamamahayag ang pulis kung bakit kinuha ang kanyang telepono, ngunit galit daw ang pulis at tinakot pang kunin ang kanyang hand-held radio.

Ilang sandali pa, binalikan niya si Bathan at humingi ng dispensa sa kanya: "Pasensya ka na, Jun, hindi kita nakilala."

Pagkakuha niya ng cellphone, laking gulat na lang daw niya nang mawala ang video na kinunan.

Itinanggi ni Gen. Bathan na binura niya ang video: "Wala akong binura dyan, saksi ko pa ang Itim na Nazareno."

Muling nagka-access ang reporter sa video dahil lumabas ito sa "recently deleted photo album" ng kanyang iPhone.

Sa dulo ng recording, maririnig ang isang boses na nagsasabing, "Burahin mo, burahin mo kuha ni Jun Veneracion. Pu#!#! ina nagku-kwan eh."

Iimbestigahan ng PNP

Humarap naman sa CNN Philippines ang tagapagsalita ng PNP na si Brig. Gen. Bernard Banac at sinabing hindi nila kukunsintihin ang nangyari.

"Tinitiyak namin na hindi ito tino-tolerate ng PNP at lagi naming nire-respeto ang karapatan ng media na mag-cover ng mga events gaya nito," sabi niya.

Kasalukuyang hinihintay ni Banac ang pahayag ng NCRPO tungkol sa insidente.

"Titignan namin ito at aasikasuhin agad ng PNP," dagdag niya.

Sa ulat ng GMA, ikinatwiran naman ni Bathan na hindi niya alam na journalist si Veneracion.

"[M]ay kinuha na magulo na deboto, may dumating na lalaki, nagpi-picture akala ko nire-rescue niya yung deboto na magulo, kinuha ko yung cellphone niya," sabi ni Bathan.

vuukle comment

BAYAN MUNA

BLACK NAZARENE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TRASLACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with