^

Bansa

Ex-congressman, 2 pa pinatay, sinunog sa kotse

Joy Cantos, Rudy Andal, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Ex-congressman, 2 pa pinatay, sinunog sa kotse
Ang mga labi ni ex-Batangas Rep. Edgar Mendoza at dalawa nitong kasama na natusta sa loob ng sinunog na kotse.

MANILA, Philippines – Pinagbabaril saka sinunog ang dating congressman ng Batangas, kanyang bodyguard at driver sa loob ng isang kotse sa Tiaong, Quezon kahapon.

Sa ulat ni CALABARZON Police Director Police Brig. Gen. Vicente Danao, kinilala ang mga biktima na si dating Batangas 2nd District Rep. Edgar Mendoza, 60, driver nitong si Ruel Ruiz at bodyguard na si Nicanor Mendoza.

Bandang ala-1:45 ng madaling araw nitong Enero 9 ng makatanggap ng tawag sa telepono ang Tiaong Municipal Police Station (MPS) mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang nasusunog na sasakyan sa San Francisco Bridge, Brgy. San Francisco ng bayang ito.

Mabilis nagresponde ang mga operatiba ng Tiaong MPS kasama ang mga elemento ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Nabatid kay Quezon Provincial Police Office (PPO) Director Col. Audie Madrideo, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maalimpu­ngatan ang ilang residente malapit sa tulay nang makitang nasusunog ang isang behikulo.

Nang maapula ang apoy ay dito nadiskubre ang bangkay ng dating solon at dalawa pa na kapwa may mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Bandang alas-2:28 ng umaga nang tuluyang maapula ng mga bumbero ang apoy.

Sa pahayag ng pamil­ya ni Mendoza, ang da­ting mambabatas ay uma­lis sa kanilang taha­nan sa Batangas City kasama ang kaniyang driver at isang bodyguard para dumalo sa isang pagpupulong sa Calamba City, Laguna noong Miyerkules ng tanghali.

Gayunman, nabigong makauwi ng kanilang tahanan ang dating kongresista na hindi rin makontak sa cellphone hanggang sa madiskubre ang krimen.

Kinumpirma naman ni Atty. Edgar Mendoza Jr., anak ng dating mambabatas na sa kanila ang sinunog na Honda Civic (DAN 6374 ).

Sinabi naman ni Major Lawrence Panganiban, hepe ng Tiaong Police, na kailangan munang maisailalim sa DNA test ang bangkay ng mga biktima para makumpirmang ito nga ang dating Kongresista  at dalawang iba pa.

“Beyond recognition yung mga bodies, nagtataka nga tayo bakit nasa likod lahat ng vehicle yung tatlo, kelangan ng DNA to validate na sila nga ang mga narekober.

Patuloy ang masu­sing imbestigasyon sa posibleng motibo sa pagpatay sa dating solon at mga kasama nito.

Kaugnay nito, kinondena ng Malacañang ang pagpaslang at pagsunog sa sasakyan ni Mendoza.

“This is an outrageous act of barbarism. The perpetrators of this heinous crime will be pursued till they are placed behind bars. We assure the bereaved family of the deceased that justice will be accorded by prosecuting the people behind this dastardly crime to the fullest extent of the law,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

“As the Palace condemns this recent felo­ny, we express our deep condolences to the family, loved ones, colleagues and constituents of the late former Congressman Edgar Mendoza,” dagdag ni Panelo.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with