^

Bansa

Kaligtasan ng OFWs sa Iraq at Iran, ipagdasal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipagdasal ang kaligtasan ng mahigit sa 6,000 OFW sa Iraq at mahigit isang libong Pinay na nakapag-asawa sa Iran.

Ito ang hiling at panawagan ni ACT-CIS, Cong. Eric Yap sa sambayanang Pilipino upang hindi madamay ang ating mga kababayan sa giyera ng Amerika at Iran.

Ayon kay Cong. Yap, mahalagang ipagdasal ang kaligtasan ng mga OFW na nasa “battle ground” ng Iraq at Iran na nandoon lamang para magtrabaho upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya.

Sinabi ni Yap, ang mga bala at bomba ay walang pinipiling lahi kapag ito ay bumagsak sa lupa at tanging ang kapangyarihan lamang ng Diyos ang makapipigil dito.

Anang mambabatas, bukas ang tanggapan ng ACT-CIS para sa ayuda o ano man tulong na maipagkakaloob nila sa pamilya ng mga OFW dito sa Pilipinas.

Maging ang Pangulong Rodrigo Duterte ay nag-utos na sa kanyang gabinete na magsagawa ng “mandatory repatriation” sa mga OFW na nasa “war prone area” ng Iraq at Iran.

vuukle comment

OFWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with