^

Bansa

P650 minimum wage itinulak

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinulong ni Kabayan Rep. Ron Salo na gawing P650 ang minimum wage ng mga manggagawa sa bansa.

Sa House Bill 668 ni Salo, ang hindi pantay-pantay na minimum wage level sa iba’t ibang rehiyon ay hindi patas sa mga manggagawa dahil ang presyo naman ng mga bilihin ay matataas kahit saan panig ng bansa.

Layon nito na itaas sa P650 ang minimum daily wage, sa ganitong paraan umano ay hindi na kakailanganin pang umalis ng mga Pinoy para magtrabaho sa abroad at dito na lamang manatili kasama ang kanilang mga pamilya.

Panahon na rin umano para kumilos ang wage boards para makinabang sa tumataas na ekonomiya ng bansa ang mga trabahador lalo na ang mga nasa kanayunan.

Nagtataka si Salo kung bakit ang mga manggagawa mula sa pribadong sektor ay iba-iba ang minimum wages depende kung saan sila nakatalaga kahit na pareho lang ang kanilang mga trabaho, habang ang mga empleyado sa gobyerno ay pareho ang bayad kahit saan ang kanilang area maging sila ay nasa Metro Manila o malalayong probinsiya.

Giit ng kongresista na ang pagkakaiba ng sahod ng government employees ay depende sa responsibilidad at functions na nakatalaga sa kanila at hindi kung saan lugar sila naka-assign, subalit bakit umano sa pribadong sektor ang minimum wages ay nakasalalay sa lugar kung saan sila nakatalaga.

 

vuukle comment

MINIMUM WAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with