^

Bansa

Sa pagdaos ng Traslacion, Duterte hinimok ang lahat 'matutong maawa'

James Relativo - Philstar.com
Sa pagdaos ng Traslacion, Duterte hinimok ang lahat 'matutong maawa'
Sinabi 'yan ni Duterte kahit kilala siya sa paglulunsad ng madugong gera kontra droga, kung saan libu-libo na ang namatay — kabilang ang ilang 'di nanlaban at menor de edad.
Presidential Photo/King Rodriguez, File

MANILA, Philippines — Binati ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Katolikong nagdaraos ng taunang Traslacion ng imahen ng Itim na Nazareno ngayong Huwebes, habang idinidiin ang aral ng "awa" at "pagkontra sa pagiging makasarili."

"Matapos ang ilang siglo, ang debosyon sa Nazareno, na umaabot sa rurok nito tuwing Traslacion, ay nagpapatuloy na magpalakas sa ating pananampalataya sa gitna ng mga pagsubok," sabi ng presidente sa Inggles.

Aniya, hindi nangangahulugan ng pagkabigo — bagkos tagumpay — ang krus ng Panginoong Hesukristo dahil nagdudulot daw ng paghilom ang mga sugat ng Diyos.

Iniuugnay ang imahe ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa mga milagrosong kaganapan at pagpapagaling, dahilan para umani ito ng milyun-milyong deboto.

Dagdag pa ng pangulo, sana'y maantig ng prusisyon ang buong bansa upang umunlad patungo sa kaginhawaan.

"Nawa'y matutunan natin ang aral ng awa at 'selflessness' habang ginagawa ang parte natin sa pagbuo ng nasyon," sabi pa niya.

Awa at karahasan

Inilabas ni Duterte ang mensahe kahit kilala siya sa paglulunsad ng madugong gera kontra droga, kung saan libu-libo na ang namatay — kabilang ang ilang 'di nanlaban at menor de edad.

Nobyembre taong 2018 nang hatulang guilty ang tatlong pulis kaugnay ng pagkakamatay ng 17-anyos na si Kian Lloyd delos Santos.

Napatunayan ng korte na walang trace ng gun powder ang kamay ni Delos Santos kahit na sinabi ng mga pulis na pinaputukan sila ng binata kaya napatay.

Matalim din ang pananalita ni Duterte laban sa mga human rights advocates, na nananawagang matigil ang mga "extrajudicial killings"  na nangyayari sa kanyang rehimen.

Noong 2015, binantaan ni Duterte ang noo'y opisyal ng Human Rights Watch na si Phelim Kine na bibitayin siya sa harap ng publiko.

"Gusto mong makatikim ng estilo ko sa hustisiya? Pumunta ka sa Davao City sa Pilipinas, magdroga kayo sa lungsod ko," sabi niya sa isang text message sa ABS-CBN.

"Papatayin ko kayo sa harap ng madlang-tao."

Ika-19 ng Nobyembre naman nang sabihin ni Duterte na sasampalin niya si Kine sa harapan ni Bise Presidente Leni Robredo, matapos sabihin na tutulong siya sa dating Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs co-chair na tapusin ang mga EJK.

Ayon sa PNP noong Agosto 2019, umaabot na mahigit 6,847 ang namamatay sa war on drugs, kahit na ipinako naman ito sa 27,000 ng Commission on Human Rights noong Disyembre 2018. — may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero

vuukle comment

BLACK NAZARENE

RODRIGO DUTERTE

TRASLACION

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with