^

Bansa

Rep. Velasco ok sa drug war ni Duterte

Pilipino Star Ngayon
Rep. Velasco ok sa drug war ni Duterte
Ayon kay Velasco, 79% Pinoy ang satisfied sa anti-drug campaign batay na rin sa Social Weather Station(SWS) survey at mula nang ilunsad ito noong 2016 ay naging mas ligtas ang mga kalsada at mas nararamdaman ng mga Filipino ang sense of security.
Rep. Lord Allan Velasco's Instagram account

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang anti-drug campaign ng Duterte Administration sa harap ng pagbatikos dito ni Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Velasco, 79% Pinoy ang satisfied sa anti-drug campaign batay na rin sa Social Weather Station(SWS) survey at mula nang ilunsad ito noong 2016 ay naging mas ligtas ang mga kalsada at mas nararamdaman ng mga Filipino ang sense of security.

Sa MIMAROPA (Oriental and Occidental Min­doro, Marinduque, Romblon and Palawan) region na kinabibilangan ng distrito ni Velasco ay bumaba na umano ang kaso ng illegal drugs.

Sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay 64% ng mga barangay sa Mimaropa ay naideklara nang drug-free.

Una nang naging kontrobersiyal ang Marinduque pagdating sa illegal drugs nang masakote ng PDEA at Marinduque PNP ang dating staff at driver ni Velasco na si Mark Dexter Anthony Preclaro matapos umanong mahulihan ng 18 gramo ng shabu at mga armas.

Samantala ang ama ni Velasco na si retired SC Justice Presbitero Velasco ay una na ring isinangkot ni Sen. Leila de Lima na may koneksyon umano sa convicted drug lord na si German Agojo.

Si Agojo ay isa sa mga inmates ng New Bilibid Prison na tumestigo laban kay De Lima habang si Justice Velasco ang nagponente ng desisyon sa kaso ng senadora na nagbigay daan para makulong ito.

vuukle comment

MIMAROPA

PDEA

SWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with