^

Bansa

2 batalyong sundalo ipapadala sa Middle East

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang batalyon o 1,000 combat troops ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) ang ipadadala ng pamahalaan sa Middle East para sa paglilikas sa mga OFWs upang maiwasang maipit ang mga ito sa sigalot sa pagitan ng Iran at ng Estados Unidos.

“Sabi ni Presidente one Army and one Marine Battalion... Pinagpe-prepare niya dalawang battalion,” pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Nilinaw naman ni Lorenzana, chairman ng binuong Special Committee sa paglilikas ng mga OFWs sa Iran, Iraq at Lebanon na ang dala­wang batalyon ng mga sundalo ay upang mabig­yang proteksyon lamang ang mga Pinoy doon at hindi para isabak ang mga ito sa combat operations.

Sinabi ni Lorenzana na gagamit ang AFP ng air at naval assets habang ikinokonsidera na rin ang pagrenta ng cruise ship at commercial plane kung maraming OFW doon ang nais nang umuwi sa bansa.

Samantala, tutungo ngayon sa Iraq si Environment Secretary Roy Cimatu, Phl envoy to the Middle East, upang pangu­nahan ang paglilikas sa mga Pinoy sa Iraq at Iran.

Batay sa pakipag-usap niya sa mga ambassador sa dalawang bansa, may halos 1,600 Pinoy ang handa nang ilikas mula sa Iraq.

Sa ulat ng DOLE, may 35,000 OFWs sa dalawang bansa.

Anya, Baghdad airport ang isang dadaanan ng mga Pinoy para bumalik sa Pilipinas pero kung sarado ito, kukuha sila ng mga shuttle bus para dumaan by land papuntang Jordan, saka tutungo ng Dubai puntang Maynila.

Ang Dubai ang magsisilbing center country ng Pilipinas para maibalik ang mga Pinoy galing Iraq pa-Maynila.

Bukod sa Amman, Jordan maaari ring daa­nan ang Tel Aviv, Israel puntang Dubai to Manila o Qatar to Manila.

Gagawan din anya ng paraan ni Cimatu na mabigyan ng kaukulang papeles ang mga ililikas na Pinoy sakaling wala pa ang mga itong makuhang visa.

vuukle comment

AFP

DELFIN LORENZANA

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with