^

Bansa

Forced evacuation sa Iraq ikinasa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinayuhan na ang mga Pilipino sa Iraq na magsilikas dahil itinaas na ng embahada ng Pilipinas sa naturang bansa ang Alert Level 4 na pinakamataas na crisis status.

Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Ed Meñez na itinaas na ang alert level sa Iraq bilang resulta ng mga coordination meeting ng pamahalaan hinggil sa sitwasyon sa Middle East.

Ang Alert Level 4 na nananawagan sa eva­cuation o mandatory repatriation ay ipinapalabas kapag merong large-scale internal conflict o “full-blown external attack.”

Sa live video sa Facebook page ng Philippine Embassy sa Iraq, ipinahayag ni Chargé d’Affaires Jomar Sadie na inutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na ipatupad ang paglilikas ng mga Pilipino sa naturang bansa kasunod ng tension dito at ng United States.

Idiniin ni Sadie na ang utos sa kanila ay magsagawa ng mandatory repatriation.

Sa datos ng Philippine Embassy, merong 450 undocumented at 1,190 documented na mga Pilipino sa Iraq. Mahigit sa kalahati rito ay nakabase sa Kurdistan region habang ang 847 ay nakabase sa Baghdad area.

Sinabi ni Meñez na marami sa mga Pilipino sa Baghdad ay nagtatrabaho sa US at iba pang mga foreign facilities.

Ipinalabas ang Alert Level 4 nang bombahin ng Iran ang Al-Asad airbase sa Iraq kung saan nagkakampo ang mga sundalong Amerikano.

Sinabi ng Iranian news agency Mehr na tinarget ng  Islamic Re­volutionary Guard Corps ng Iran ang base. Ipina­ngako ng Tehran na gaganti ito sa pagpatay ng US sa kanilang heneral na si Qassem Soleimani.

vuukle comment

ED MEñEZ

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with