Iran bumanat na vs Amerika!
Nagpakawala ng dosenang missiles
MANILA, Philippines — Nagpakawala na kahapon ng mahigit isang dosenang missiles ang Iran at pinuntirya ang dalawang base ng Amerika at coalition forces sa Iraq.
Iniulat ng Iranian state media ang pagpapakawala ng missiles at inako na rin ng Iran ang ginawang pag-atake sa Ain al-Asad airbase.
Sa ulat, inaalam pa ng Amerika ang pinsala nang pag-atake na lalong nagpalala ng tensiyon sa pagitan ng Amerika at Iran.
Ang missiles launching ng Iran ay inaasahang ganti sa pagpaslang ng US sa isa sa mga makapangyarihang opisyal ng Iran na si Qassem Soleimani.
Sa kanyang opisyal na Twitter account, sinabi ni US President Donald Trump na “All is well.”
“All is well! Missiles launched from Iran at two military bases located in Iraq. Assessment of casualties & damages taking place now. So far, so good! We have the most powerful and well equipped military anywhere in the world, by far! I will be making a statement tomorrow morning,” sabi ni Trump sa kanyang post sa Twitter.
- Latest